Thursday, June 7, 2012

Happy Thursday at David's Tea House

Huwebes, Ika 7 ng Hunyo taong 2012...Ginising ako ng maaga (11:00 am) ni kumander teri para kumain sa isang restaurant (David's Tea House) para gamitin ang voucher na binili sa ENSOGO mula sa internet. So, agad akong naligo at nagbihis para pumunta sa SM Baguio City. Bago kami pumunta sa restaurant, nagtungo muna kmi sa isang Computer Shop ng SM para i-print ang voucher galing sa ENSOGO. At pagkatapos namin mai-print ang voucher nagtungo na kami sa David's Tea House para kumain ng aming tanghalian.




This is the number of our table (Outside David's Tea House)




Our second time na kumain dito, and again we ordered Roasted Pork Asado na manamis-namis at sobrang sarap.




Regular Coke incan for me kasi wala sila iced tea.


Young Chow Rice good for two, pero kulang pa ito para sa akin.hehe!




Buuurppp!! I'm done... Sorry, I don't eat green peas. Wala lang, ayaw ko lng. :)


Our View habang kumakain. 




So, we enjoyed the food we ordered at halos di makatayo dahil sa sobrang busog. I think the couple beside us, also enjoyed the food (Man-American/Woman- Filipino). Habang kami'y nagkukuwentuhan at nagpapalipas ng oras, narinig ko na hiningi na ng mag-asawa ang kanilang resibo at  sila'y nagbayad. So, sila ay aking pinagmamasdan habang papaalis ng kainan. Nakita kong naglagay ng tip na15 Php ang babae sa kanilang lamesa. At nung nakalikod na yung babae, binawasan ng kanyang asawang kano ang tip ng 5 Php. At ako'y tawa ng tawa sa aking nakita, at di ko akalain na may kuripot pa lang mga turista o dayuhan, talagang hindi pinalagpas kahit limang peso lang. Bigla ko nalang natanong sarili ko, Tag hirap ba sa Amerika ngayon? haahah!! 

Lumipas ang limang minuto, kami na rin ay umalis na ng kainan at umuwing masaya at sobrang busog.....


The AmBlogger busog face at Jeep kami'y pauwi na... peaceout! :)



No comments:

Post a Comment