Wednesday, June 13, 2012

Happy Hour

Sabado, Ika-9 ng Hunyo taong 2012. Umuwi kami sa aming pinaka mamahal namin lungsod ng Dagupan para bisitahin ang aming pamilya at kamustahin ang mga kaibigan. Syempre sabado, hindi mawawala ang inuman sapagkat araw ng pahinga kinabukasan walang iisipin na trabaho. Kaya inaya namin ang aming barkada sa isang resto bar sa dagupan, at para gamitin ang voucher galing sa Ensogo.


 With my beautiful wife in picture mode before the session.




With my OLD friend Dustin, Ang Dakilang manginginom. 







Si Mark humihigop na ng sabaw mukhang lasheng na...











Bravia Platinum for DELL

From now on, hindi ko na kailan mag headset para lang marinig ko un pinapanood ko na movie. May iba kasing movie sa YouTube na mahina ang volume kaya minsan gumagamit ako ng headset. Hindi na magagalit si kumander sa akin. Minsan kasi tinatawag ako, hindi nya alam na naka headset ako at di ko naririnig boses nya. Nabili namin ang Platinum Bravia sa Tiong San Harisson sa halagang 250 Php lamang. 




Watching "The Drunken Master" featuring Jackie Chan.


Tuesday, June 12, 2012

Meeting New Friend On Independence Day

Araw ng Kalayaan Ika-12 ng Hunyo taong 2012, A great day to meet a new friend named Gian. Si Gian ay anak ng kaibigan ng aking maganda asawa. Sumakay kami ng taxi para daanan si Gian sa Brookspoint, Baguio City at upang samahan siya pumunta ng bangko. By the way, Si Gian po ay taga Vigan at first year MedTech student ng SLU. Pagkatapos namin sunduin si Gian dumiretso nyo na kami sa bangko, at syempre araw ng kalayaan kaya sarado ang bangko ng kami'y dumating. Kaya naisipan na lang namin pumunta ng SM at kumain ng tanghalian. Nagtungo kami sa Classic SAVORY kasi medyo matagal na rin kaming hindi nakakain ng manok. Pero bago kami nakarating sa restaurant dumaan muna kami sa isang part ng SM kung saan may mga naka display na mga pictures. So, here are some pictures taken:


Si Kumander with the picture year of a pig.




Kumander and Gian with the picture year of a rat.



On our way to Classic SAVORY.





Our Table Number.



Nag order kami ng Combo Meal.







Smile ",)



After kumain, nagpahangin at site viewing muna kami sa balcony.




Looks like may event sa baba, mukhang band contest.








Pagkatapos namin libut libot sa mall, nagtungo kami sa grocery store para bumili ng mga kailangan namin sa bahay kasama si gian. Habang kami'y namimili, kinausap ako ni Gian "Kuya, pwede bang after natin dito at pumunta sa tinutuluyan ko daan muna tayo sa boarding ng house ng kaklase ko?" sabi ko naman "Sure!". At agad kaming nagtungo sakay ng jeep papunta sa kanyang kaklase upang kunin ang libro. Nakarating kami sa lugar at agad niyang tinawagan at kanyang kaklase upang pababain mula sa kanyang silid pero wala daw siya dun at nasa harap SevenEleven tapat ng SLU, mga 200 daan metro mula sa kanyang boarding house. So, pumunta kami sa nasabing lugar at nakita namin ang kanyang kaklase ngunit wala daw un libro sa kanya nasa kanyang kaibigan. habang inaantay ni Gian ang libro, pumasok muna kami ni kumander sa SevenEleven upang makakuha ng maiinom.




Kumander, drinking Moca Vanilla Coffee.



At AKO naman medyo nauubusan na ako ng energy kaya uminom ng Gatorade.


Then after namin nakuha ang libro, umuwi na kami sa aming bahay para makapasyal at makita ni Gian ang aming tinutuluyan. At bago pa man kami makarating sa aming tinutuluyan biglang bumuhos ang malakas ng ulan  at kami'y basang basa hanggang sa makarating kami sa aming bahay, di umubra ang aming mga dalang payong sa lakas ng ulan. Habang pinapahinto ang ulan, naisipan nun dalawa na mag internet muna at ako naman ay inaayos ang aming mga pinamili.

At huminto din ang ulan kaya naisip na namin maglakad mula Leonila Hill papunta sa tinutuluyan ni Gian sa Brookspoint.


Picture picture ulit habang naglalakad... :))



Sa wakas nakarating na rin kami at ako'y nakakaramdam na ng pagod pero si kumander parang hindi pa napapagod.


Puro na lang kayo may picture ah... Ako rin!! Smile... hehe



 At Gian's Room


Hindi rin kami nagtagal, after 30 minutes umalis na kami ni Kumander at pumunta ng palengke para bumili ng bangus na mailuluto. Umalis kaming masaya dahil may nakilala kaming bagong kaibigan.